COMMENTS PAGE Comments
Entry: -=LRT threat=- Sunday, December 02, 2007



Usually I write only one subject sometimes about being happy, other times about being sad.

 

I have a typical Life kaya nga madalas na bored ako eh. i am happy living ALONE, eating alone, watching movies alone and at some point i am more sorrowful over the thought of my family being away, because they are my everything, all that i got. but this however doesnt depress me so totally that it cancels my being happy living alone.

 

Kala ko ang pagsusulat gaya nito ay makakapag-pagaan sa mga nararamdaman ko. Malungkot man o Masaya pero HINDI PALA. Kaya naisip ko magbakasyon muna sa pagsusulat.

 

Pero dahil sa nangyari kahapon (December 01) unti unting bumabalik sa akin ang pag-asa na panandalian nawala.

 

Papasok nako sa school kahapon around 7:30 am at lagi ko sinasakyan ay ang LRT 1. Para sa akin typical ang umagang yun. Pero hindi pala.

 

2 stations nalang bago ako bumaba nasakto pa ako sa kamalasan. Sa DOROTEO JOSE o D. jose station-LRT 1 naging traumatic ang karanasan ko. Nakasara na ang pinto ng LRT ng bigla nalang ito bumukas at may sumigaw na bomba. CYEMPRE what do we expect sa mga tao that time "PANIC" takbuhan talaga yung nangyari. Cyempre kasama nako dun. Hindi ko din alam talaga kung ano ang tunay na nagyari e. kala ko katapusan ko na nun. Hanggang sa pag pasok ko madaming bagay ang sumagi sa isip ko. Super thankful ako kc buhay pa din ako at walang masamang nangyari sa akin.

 

Marami ako naging downfall this past months. Super emotional loaded ako. Nawalan ako ng pag-asa sa buhay. Alam ko marami ako source of strength pero IBA PA DIN YUNG STRENGTH NA MANG-GAGALING SA TAONG INAASAHAN mo.

  0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments