COMMENTS PAGE Comments
Entry: -=no title=- Monday, August 20, 2007



Sa nakaraan na 5 araw yun na ang pinaka down na nangyari sa buhay ko. Nakisabay ata ang bagyo sa problema dumating saken.

** flashback**

-thursday- Dumating ang daddy ko. Ako, si Mama at yung boyfriend ni ate- kuya lucien ang sumundo kay daddy. Nagulat din ako sa pagkakataon na sumama Nanay ko sa airport. Alam ko naman masama sa kalooban nya makita si daddy after all these years pero ewan ko kung ano masamang hangin ang nagudyok sa kanya sumama. Sa airport hindi ko napigilan maiyak at tumakbo papunta kay daddy. Parang yung napapanuod sa drama. Ganun ang naging eksena, madaming tao sa airport ang tumingin saken. Malakas ata ang naging pag iyak ko. Natigil nalang ako nung sabi ni daddy na "anak ok na andito nako, wag kana umiyak". Sa tagal ng panahon nadinig ko ule yung tawag na "BUNSO" na galing kay daddy. Nung nasa sasakyan na kami WALANG NAGSASALITA talaga. Hindi nagsasalita si daddy at si mama. Kung gaano ako ka excited makita si daddy, napalitan kaagad yun ng takot. Takot in a sense na mag-aaway rather aawayin ng nanay ko si daddy. Ganyan naman ugali ni Mama. Mahilig makipag away. Hindi kayang i-control ang emotions. Buti nalang at that moment walang nangyari confrontations. Nakarating kami that night around 8pm.

-friday- Gusto ni daddy umalis ng bahay kahit napaka lakas ng ulan. Hindi ko cya masisisi kc matagal din cya hindi nakauwe dito. Kaso ang problema, yung Nanay ko nag-iinarte. Ayaw sumama. Nakakapikon. Kaya si Daddy nag-aya kay Mama. inakyat niya sa kwarto at dun nag-usap sila ng 3-4 hours. Sabi ng daddy ko nakapag-usap na daw cla. Kaya umalis na kami nung natila ang ulan. Kala ko okey na ang lahat pero nung pagbalik namin ng 8pm, parang nag transform ang Nanay ko bigla. Nagalit nalang at nangyari ang inaasahan ko. Inaway ng Nanay ko si daddy. At ang pinaka masayang part dun nibasag ng Nanay ko yung ibang gamit namin. Natapos mag-drama ang Nanay ko ng 2am.

-saturday- Kala ko tapos na ang lahat, hindi pa pala. Nag umagahan kami ng drama ng Nanay ko. Nag umpisa ng 9am at inalisan nalang namin ni daddy ng 12:30 noon. Masakit saken ang mga nangyayari. Cyempre mga magulang ko cla. Alam ko naman na wala na TALAGA pag-asa magkabalikan pero UMAASA ako na kahit paano MAGING CIVIL cla. Ayusin ang mga bagay na dapat ayusin. Fine. Pareho clang may-affair ang problema ayaw aminin ng Nanay ko na meron din cya affair. Pinagpipilitan nya na after all these years si Daddy lang ang nagloko sa marriage nla.

-sunday- Nag-decide umalis si daddy.

Opinion ko lang, kahit gaano magkalayo ang 2 nagmamahalan kung may TRUST cla sa isat isa. Hindi yun masisira kahit ano man dumating na probs.

Masakit saken makita ganyan cla. Im in pain emotionally. Hindi ko alam kung hanggang kelan ito. Mas lalo ako masasaktan sa pagdaan ng araw. Wala din ako magawa. Wala din ako mapagsabihan. Lahat ng sama ng loob ko hindi ko mailabas. Ayoko din sabihin sa mga kapatid ko. Alam ko may mga probs din cla sa ibang bansa. Ayoko na dagdagan pa yung mga iintindihin nila.

Habang sinusulat ko ito. Hindi pako umuuwe ng bahay. Umalis ako kahapon. Hindi ko kc kaya makausap si mama pagkatapos ng mga nangyari. Babalik ako ng bahay bukas.

Sana maging okey nako.

Sana hindi ako ma disturb sa lecture namin bukas.

Sana pagnatulog ako mamaya, mawala na yung sama ng loob ko.

SANA...

  0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments